Skip to main content

Philippine Civil Service Exam Experience

Alam naman natin lahat na karamihan sa atin habang nag aaral palang ay sinsasabihan na kung gaano kahirap ang pagpasa sa Civil Service lalo't marami rin tayong kakilala na kahit ilang beses nag take ay hindi pa rin makapasa-pasa dahil daw sa sobrang hirap ng exam.Iniisip ko palang na 170 ang total items na dapat sagutan tas ang kailangang passing rate ay 80%, sa isip isip ko noon "so sa 170 na total item dapat 34 lang ang mali ko para 80% ang makuha ko na rate" lalot Professional na yung tinake ko noon at pakiramdam ko mga Honor student lang talaga ang makakapasa kasi pag iniisip ko palang nahihirapan na ako tas kinakabahan na din.

Karamihan sa mga teacher ko laging sinasab na mag take ng Civil Service Exam pagkatapos ng graduation para fresh pa daw yung mga natutunan, Pero ako alam ko sa sarili ko na hindi ako papasa kung marami pa akong dapat unahin tulad ng paghahanap ng trabaho dahil alam kong kahit pumasa ako sa Civil Service ay mahihirapan pa rin ako dahil wala naman akong backer sa gobyerno. So in short pag nag take ka ng exam dapat ready ka na talaga mentally, physically at ang pinaka importante financially dahil hindi lang naman Php 500 ang magagastos mo.

Kaya nung nakahanap ako ng trabaho bilang IT Staff sa isang Unibersidad at dahil sa pangungulit ng tatay ko, nag desisyon akong kumuha ng Civil Service. Medyo mahirap mag file kasi sobrang layo ng CSC Office nasa Batangas City pa na 2 hours ang layo sa amin at kailangan mo pang mag bus. Angrequirements noon ay
  
1.ID PICTURES: Four (4) pieces of ID photos printed in good quality photo paper, Passport size, colored with white background, with handwritten name tag showing the signature over printed full  name format. In the photo studio, just tell that the photo is to be used for Civil Service application, they already know the specifications. "In short pumunta kayo sa Photo Studio at sabihin niyong mag papa picture kayong pang Civil Service" -Automatic alam na nila yun.

"Tas kwento pa ng katrabaho ko na apat ng beses na kumukuha ng CSC exam, nahihiya na daw siya kasi apat na beses na daw siya nagtatake ng exam at namumukhaan na daw siya nung photographer kaya ang ginagawa niya naghahanap siya ng ibang photo studio"

2.VALID ID with clear picture and Date of Birth and signature: Original and photocopy of any of the following: Driver's license, PRC License ID, SSS ID, GSIS ID, Voter's ID, BIR ID, Philhealth ID, Postal ID, Current company ID, Current School ID, Police Clearance, Barangay ID. 
NSO BIRTH CERTIFICATE: if the ID of the applicant doesn't contain the birth date, he/she shall bring the authenticated birth certificate.

"Imposible naman na kahit isa diyan wala kayo? Then kailangan niyo nang mag pa xerox para hindi na kayo mahirapan at ang kalimitan din na pinapaulit ay yung passport ang ginagamit na valid ID, Sa bagong passport kasi ngayon hindi mo mapapansin na may part na Signature/Lagda na part at kailangan pag pina xerox kasama din dapat yun sa makikita, at isa pa sa nag kaka problem noon ay yung kasabay ko mag take, kasi married na siya so wala pa siyang updated na ID na last name ng asawa niya ang gamit niya at  if ever pasa siya, ano ang ilalagay sa COE yung last name ba nung dalaga siya or yung ngayong may asawa na siya?- Di ko sure kaya tanong niyo na lang din "

At ang pinaka importante ay ang Examination Fee na Php 500. "Sa isip isip ko noon ilang kilong bigas din yun, tas bagsak pa sayang ang pera hahahah"

Yung Application Form hindi ako nag download kasi pwede naman dun ka na lang mag fill-up  sa CSC Office at sayang din ang effort pag nalukot at isa pa wala akong ink pang thumbmark.
After kong mag file may ibibigay silang receipt at kailangan mo yun dalhin sa mismong araw ng exam at yung tira mong picture pwede mo pang magamit pang re-take pag bagsak ka at pag pasa naman requirements din sa Government pang apply ka sa kanila.

Pagkatapos kong mag file nag download na ako online ng mga reviewer tas naging problema ko kung paano ipriprint sa sobrang dami. To the point na sa company  printer ko lahat prinint na umabot ng mahigit 600 pages tas ang nakakatawa kasabwat ko pa mga ka workmate ko dahil pag wala yung bantay sa generic na printer doon ko sabay sabay na priniprint. Nasa second floor kasi ang office namin tas nasa ground floor yung pa printan kaya kailangan ko muna bumaba para silipin kung nandun yung bantay tas pag wala siya tatawag na agad ako sa office para pindutin yung print.

Sa  dami ng reviewer ko  napapaisip tuloy ako kung makakaya ba ng utak kong review-hin lahat.
Kaya nagpaalam ako sa mga katrabaho ko na mag tatake ako ng exam dahil balak ko na noon na mag panggabi sa trabaho 11:00AM- 9:00PM dahil wala namang masyadong ginagawa tuwing 7:00PM- 9:00PM yun ang ginawa kong oras ng pag rereview para sa exam.
Pag linggo restday ko na yun sa pag rereview pero once na may tanong na bigla kong maiisip sinesearch ko na agad sa Google. Alam ko din kasi  na mahina ako sa math kaya doon ako nag focus pero madali lang daw ang exam kong nag review ka talga at hindi mo lahat inasa sa diyos.


So nireview ko lahat ng tungkol sa (Math. Basic Math/LCM&GCF/ Integers/PEMDAS and Operations on Real Numbers/Fraction/Decimals/Percentage/Simple Equation)

Yung mga question regarding sa mga age. ilang meter sa isang kilometer. tas biglang sa isip isip ko paano pag tinanong yung sa mga time problem, kaya sinearch ko talaga lahat sa Google. Kaya nag papasalamat ako kay Google kasi ang laki ng tulong niya sa akin during that time hahaha. Lahat na sa math reviewhin mo kasi during ng exam sisiw na lang saiyo yung Math. May mga videos din sa youtube na ineexplain nila kung paano sagutan if ever ma encounter yung mga kalimitang tanong sa Math.

Bago mag exam nag dasal talaga ako kay GOD na sana pumasa ako kasi bihira lang sa pamilya namin ang pumasa and if ever pangalawa palang ako sa pamilya na papasa ng civil kasi Tita ko pa lang noon ang pumasa ng civil pro at sub pro isang take lang niya. Tas sabi sa akin ng ate ko yung pinsan ko daw pumasa sa LET kasi pina bless daw niya yung lapis na ginamit niya so sa isip sip ko wala namang mawawala, pumunta ako sa Sto tomas Batangas kay Padre Pio Shrine tas after lagi ng mass tinatawag ni father yung mga magpapa bless ng kahit na anong item, ang kailangan mo lang gawin ay  itaas yung ballpen para ma bless ng holy water. Natatawa ako noon kasi  tanda ko noon yung pang spray ng halaman ang bitbit ni father tas para kaming halamang inisprayan na talagang pati ikaw basang basa. Dalawang ballpen noon yung pinabless ko kasi may isa akong katrabaho na nag take din at gustong gusto niya mag apply na bombero tas ako noon parang okay lang kung bumagsak magtatake na lang ulit.

Before ng exam dapat familiar ka sa lugar ng eexaman mo  at dapat malaman mo rin  kung anong Room No. ka ma-aassign, Ako noon ginoogle map  ko a week before at nagtanong tanong na ako kung paano ang byahe papunta sa school na yun "BSU Batangas City", yung iba naman pinupuntahan talaga nila a day before para sure silang hindi maliligaw at para hindi ma late.
May telephone number sa receipt kaya a week before tumawag na ako para malaman ang room assignment ko or pwede mo naman makita online http://enosa.csc.gov.ph/eNOSAv3/


So after ng ilang buwan ng pag rereview August 6 ang exam date para  available lahat sa pag take lalo na sa mga may trabaho at ang mahirap lang ay pag fifile dahil Monday to Friday lang pwede. Family at mga katrabaho ko lang ang may alam na nag take ako, hindi ko pinagsabi sa mga tropa ko or classmate at hindi rin ako nag tanong sa mga kakilala kong bumagsak at pumasa para humingi ng advice kasi nahihiya akong malaman nila if ever bagsak ako.
Nagkita kami nung katrabaho ko sa Lipa then sobrang dami namin noon kasi bawal talaga ma late at pag sasaraduhan ka ng school so before 7:00 AM andun ka na, Hindi na kami nahirapan  kasi alam na ng driver kung saan kami ibaba. magkaiba ang school assignment ng Sub pro at Pro.

Pag pasok ko ng BSU may part dun sa may gate na nakapaskil yung mga room assignment pero kaming dalawa nung katrabaho ko diretso na kami kasi alam naman namin kung saan kami naka assign. May mga  naka post din ng mga section kaya hindi mahirap hanapin yung room. Sa labas ng room may makikita kang list ng mga naka assign sa room na yun kaya kailangan mong tandaan kung anong number mo dun kasi yun ang magiging sitting arangement sa loob.
Akala namin noon pwede kang umupo kung kahit saan mo gusto pero pag pasok ng examiner pinatayo kaming lahat tas inarrage kami, pero may dalawang hindi naka intindi nung instruction tas hindi nila alam na kaya dapat sundin yung sitting arangement kasi yung test paper may number na dedicated talaga para saiyo.Kaya dapat makinig lagi sa instruction kasi pwede ka nilang hindi pag examin pag pa tanga-tanga ka.

Pagkatapos maayos ng examiner ang sitting arrangement ipapalagay niya lahat ng mga gamit sa harap at iinstruct kung ano yung mga bawal gawin, katulad ng smart watch, reviewer tas pwede kang makulong pag nalaman nilang nag cheat ka in any form-sabi nila. pero bago nag simula ang exam noon may malaking papel na dun mo magagamit yung pinasa mong picture tas madudumihan ulit ang mga daliri mo kasi kailangan ulit ng thumbmark.Naka tshirt lang ako noon na naka black pants tas rubber shoes at bawal pala noon ang mag suot ng long sleeves, pinapatanggal nila at hindi na kami nag tanong noon at sumunod na lang kami noon kung ano sabihin nila.

Strikto sila sa oras at di ka talaga nila papasukin pag late kahit alam nilang may kulang pa na mag eexam mag sisimula na silang mag pasagot. Pero kompleto kaming lahat tas mula pa sila sa malalayo tas yung iba may dalang reviewer na para sa akin mas lalo ka lang maguguluhan pag ganun. mas mabuting wag ka na lang magdala kasi hindi mo rin naman magagamit bago mag exam.

May  nakasabay akon noon na kaklase ko nung college  kaya pinansin ko naman at baka sabihin suplado ako pero sa isip isip ko " Patay may makakaalam na pag bagsak ako" .

Hindi ako nakikipag usap sa mga kasabay ko nag exam kasi alam ko namang yun ang unat huli na makakasama  ko sila at mas maganda na rin yung focus ka.  Karamihan naman sa  makakasabay mo ilang beses na nag take kaya kung ano ano ang papasok na negative  thoughts sa utak mo kaya para maiwasan mo yun wag ka na lang makipag usap. Positive ka dapat magisip na papasa ka para positive din ang result ng exam.
Ang nakakatuwa pa, biglang naalala ko yung sinabi ng HS teacher ko na nung nagtake siya ng LET bawal daw na may bumagsak o malaglag  na gamit kasi ibig sabihin daw  babagsak ka. Karamihan sa mga kasabay ko noon nalaglag yung lapis, eh ako noon ingat na ingat talaga na walang malaglag na gamit kasi feeling ko noon baka bumagsak exam ko.

Nung binigay na ng examiner ang Answer sheet at Questionnaire ang diskarte ko noon ay dapat may time management pero napansin ko walang wall clock sa room namin tas hindi ako nakapagdala ng relo kaya hindi ko alam kung ilang minuto ang pag sagot kada coverage ng exam.
Unang sasagutan dun ay tungkol sa personal info mo at kung ilang beses ka na nakapag take. kung ano plano mo if ever pumasa at medyo madami din yun kaya dapat mabilis ang pag shade ng answer sheet-In short wag mo enjoyin kasi dun mo ma rerealize na ang iksi ng 3 hours and 10 minutes.

Next na question na dapat sagutan noon ay Synonyms at Antonyms na nagpapasalamat ako kasi sa reviewer ko 200 na set na antonyms at synonyms ang ni review ko kaya medyo nadalian ako sa pag sagot pero nasa 15 items  lang yung na nasa exam. Pagkatapos nun Grammar at Correct Usage so dapat mag review kayo ng kung paano mo malalaman kung alin dun yung mali ang grammar, mali ang spelling, yung definition.

Ang sumunod doon ay Math na sobra kong inenjoy na hindi ko talaga tinantanan na icheck yung mga sagot ko kung tama,To the point na di ko namalayan na dun pala naubos ang oras ko. Sa isip isip ko kasi noon na sa dulong part ay Phil Constitution na nag review talaga ako na alam kong sisiw lang sa akin kasi minemorize ko Preamble, binasa ko at sinapuso ko ang Article 1 to Article 18 tas minemorize ko pa ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R. A. 6713); peace and human rights issues and concepts; and environment management and protection, Tas malalaman ko isang tanong lang pala ang nasa exam situational pa. Ang question noon ay baliw yung isang mayaman tas pinapirma ng kapatid para malipat sa kanya yung pera at ari-arian pagtapos ay nalaman nung isang pang kapatid yung ginawa sa baliw. Ang tanong anong mangyayari sa kayamanan- yun lang tas ang nasabi ko nalng  "Ano ito na yun? Ang dami kong ni review ito lang pala ang itatanong."  tas biglang nagsabi yung examiner na last 15 minutes.- Nganga

Pagtingin ko sa item na sinasagutan ko nasa 115 palang ako. Doon ko na realize talaga na ang bilis ng 3 hours na yun tas iniisip ko kung 2 hours ko bang sinagutan yung math. Tas doon na ako na pressure at sabay-sabay nang pumasok at nag sink in sa isip ko kung paano kung bagsak ako, nakakahiya pag nalaman nila lalot may nakasabay akong kakilala ako at naging kalase ko pa baka ipagkalat. Ang laki na rin ng nagastos kong pamasahe, pagkain,  yung efort  ng pag print, yung stress at pag pupuyat ng ilang buwan.

Ang ginawa ko noon sinilip ko yung mga page na hindi ko pa nasasagutan tas nalaman ko pang reading comprehension at pipiliin mo kung ano ang best tittle. Ang hahaba ng kwento na hinulaan ko na lang talaga kasi alam kong kukulangin ako ng oras pag binasa ko pa yung buong kwento. Kung alin doon ang pinaka mahaba na title sa choices yun na lang ang pinipili ko. Tas nung sinabi ng examiner na times-up, Yung kaklase ko dati ang nakipag usap sa examiner na dapat daw may additional 5 minutes pa kami kasi late na kami nag start ng pagsagot dahil nga may dalawang hindi nakasunod sa sitting arrangement bago mag start. Pinagbigyan kami nung examiner at apat na lang kaming sumasagot na feeling ko ang tatalino nung mga naunang nakasagot at lumabas na kung ako sa kanila chineck ko muna yung mga sinagot ko malay mo naman baka may maitama ka pa doon. Nasagutan ko lahat pero karamihan na sa padulo kong sagot hinulaan ko na lang pero noong nag ka 5 minutes pa kami binalikan ko yung mga sagot kong hindi ko masyadong sure kung tama.


Sabay sabay kaming mga huli nagpasa ng answer sheet namin. pagkatapos nagkita na kami nung katrabaho ko kasi magkaiba kami ng room assignment tas nag nagtanungan ng mga sagot. Pakiramdam ko bagsak ako noon kasi 34 lang dapat ang mali mo para pumasa. Pagkauwi ko noon tinanong ako ng tatay ko kung kamusta ang exam ang sabi ko na lang "Naku tay ang hirap ng exam tas hinulaan ko na yung padulo kasi wala ng oras, kaya wag na lang tayong mag expect."
Pero balak ko namang mag re-take lalot nat na-experience ko  at pwede ko ng planuhin ng mabuti kong paano sasagutan sa susunod ng hindi nauubusan ng oras.

August 2017 ako nag take noon kaya October ang labas ng result ng exam, tas napaaga ang labas ng result.

Maaga akong natulog nun kasi may trabaho pa ako kinabukasan tas naalimpungatan ako ng bandang 5:00AM tas pag check ko sa cellphone ko ang daming notification. Pagtingin ko ng chat na "Congrats Juls!" pero di ko pa nababasa ng buo kasi kailangan ko pang i unlock talaga yung phone para ma open si  Messenger. Bigla tuloy akong napaisip "baka regular na ako sa trabaho kaya ako binabati?'', Pero pag open ko may naka print screen na picture na nakalagay yung pangalan ko sa list ng passer tas di ko namalayan natulo na pala yung luha ko. Tas di ko napansin nagising pala yung kapatid ko- sabi niya"Bat ka naiyak diyan? Nanunuod ka naman ng Kdrama!!"
Tas sagot ko sa kanya "Ate di ko alam pero pumasa ako sa Civil" sabay post na agad sa Facebook
Di ko kasi talaga inexpect lalot naubusan ako ng oras.Gabi gabi ko talagang pinagdarasal na sana ay pumasa. Napaka bless ko kasi isang take lang at worth it naman ang pag rereview ng  apat na buwan.


Pag check ko online sa http://webapp.csc.gov.ph/CSE_Online/   dito makikita ang result kahit pasa or bagsak ang rating of competency area  mo. Ang result ng akin Verbal 82/ Analytical 81 / Numerical 80 tas General Info 77, kaya ang general rating ko 80% . Pag bumisita ka sa website na to kailan mo lang piliin kung ano ang mode of examination mo, dalawa lang ang pag pipipilian kung computerized o paper and pencil at kalimitan naman PPT ang naging exam. Kailangan mo rin ilagay ang examinee number mo kaya importanteng wag wawalain pagkatapos ng exam dahil magagamit mo pa rin sa pag view ng result online, date ng examination,Full Name, Date of Birth, Type of Examination at Region.Pag di mo na tanda ang examinee number mo may option naman sa baba para ma retrieve mo pero kailangan mo ilagay personal information mo pero ang hihingin lang ay exam date. Pangalan tas Birthday  tas sa unang try mo laging error kahit tama naman ang nilalagay mo pero sa pangalawa saka lalabas yung data. Importante din na naka hide ang birthday mo sa Social Media dahil basta alam nila buong pangalan mo at middle initials at birthday at kung kailan ka nag exam makikita na nila ang result ng exam mo.


After kong pumasa hindi muna ako nag try mag apply dahil ang requirements ng Government ay Authenticated na Certificate of Eligibility tas nalaman ko  na hindi sila nag authenticate sa Capitol at kailangan mo pang pumunta sa CSC Quezon City Region 4 kung taga Batangas ka tas kailangan mong magbayad ng  Php 50.00 kada Authenticated na page.
Ang kailangan mo lang ay magdala ng 2 valid ID at yung receipt mo nung nag exam ka at yung certificate na nakuha mo.
 

Pero pwede rin na dun ka na lang mag request ng COE at Authenticated na Certificate  para isahan na lang at hindi katulad ko na pabalik balik sa Batangas City at naghintay pa ng ilang buwan para makuha yung COE tas malalaman ko pa na sa QC  lang pwedeng mag pa Authenticate.



Advice ko lang sa mga may planong mag take ng exam. Dapat mag laan talaga kayo ng oras sa pag rereview. Siguro may mga taong pumasa sa Civil na hindi nag review at tsambahan lang ang pag pasa pero pag nag apply ka naman sa Government agency mas mahirap ang pre-employment exam nila na kung tutuusin mas mahirap pa sa Civil Service Exam.

Mag take ka ng exam kung alam mo sa sarili mo na ready ka na at may oras ka na para sa pag rereview. kalimitan kasi sa mga kakilala ko, hinihiram yung reviewer ko hindi naman sineseryoso kaya sa huli bagsak sa exam. Kasi kung hindi ka pa talga handa ay talagang babagsak ka.Feeling siguro nila dahil pumasa yung gumamit ng reviewer ay papasa na din sila.

Wag ipagkalat na mag tatake ka ng exam para less pressure sa sarili mo. Kung bagsak ka okay lang naman yun at hindi naman yun mag rereflect sa Certificate hindi tulad ng TOR na pag may bagsak kita lahat dun. 

 Yung pag papa blessed ng lapis na ginamit para sa exam,  effective naman siya pero dun sa kasama ko hindi eh bagsak siya - Siguro kailangan ikaw talaga yung pumunta para mag pa bless :) 

Bago mgag start ang exam mag CR ka na kasi bawal ka na lumabas if nag start na silang mag pa exam. Mahirap sumagot na naiihi ka or natatae ka sa kinauupuan mo!!?

Dapat think positive na papasa ka para positive daw yung result - sabi nung Examiner 

Lastly siguro dapat enjoyin mo na lang yung moment  ng pagrereview at  pag sagot mo during ng exam-


Goodluck at wag mawalang ng Pagasa!!! kung pumasa kami hindi imposibleng papasa din kayo!!!






Comments

  1. THANK YOU FOR SHARING YOUR EXPERIENCE AND CONGRATS :-).GODBLESS!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Philippine Civil Service Reviewer -Mathematics

1. 16 + 4 x (7 + 8) - 3 = ________? = 16 + 4 x (15) - 3 = 16 + 60 - 3 = 16 + 57 = 73 *Ans. 2. (18 + 17) (12 + 9) - (7 x 16 ) (4 + 2) = ________? = (35) (21) - (112) (6) = 735 - 672 = 63 *Ans. 3. The sum of 73, 2891, 406 and 98 is _______? = 73 + 2891 + 406 + 98 = 3468 *Ans. 4. Which of the following numbers is divisible by 24 ? 192 ÷ 24 = 8 *Ans. 286  ÷  24 = 11 remainder 4, 268 not divisible by 24 because it has a remainder when divided by 24. 5. Which of the following numbers is prime ? a. 57 = 3 x 19 b. 87 = 3 x 29 c. 89 = 89 x 1 *Ans. d. 91 = 13 x 7 Mathematics Test I Solution - Page 60 6. The product of 18 and 73 is ______? 18 x 73 = 1,314 1314 *Ans. 7. The difference of 476 and 182 is _______? 476 - 182 = 294 294 *Ans. 8. Evaluate      1     +    2     +  3  = ______?  ...

Civil Service Exam Clerical Operations Questions

1. Which department of an office is responsible for hiring new personnel? Office of the President Accounting Department Logistic and Supply Human Resource Department 2. Which computer program should you go if you want to email a company? Word Excel Outlook Powerpoint 3. This is a telephonic transmission of scanned documents of texts and images to a telephone number connected to a printer. Photocopying Machine Fax Machine Typewriter Inkjet Printer 4. The chief financial officer is responsible for the financial matters and financial management of a corporation, she is also known as the _______. Auditor Treasurer Chief Executive Officer Manager 5. Which department of a company is responsible for cash register operations and payment processing? Cashier Billing Accounting Budget 6. What is the correct filing arrangement for the following names? 1. Angeles, Mario P. 2. Angeles, Maricel P. 3. Angeles, Marissa P. 4. Angeles, Maria P. 4,2,1,3 4,1...