Skip to main content

Posts

Showing posts with the label exam

Philippine Civil Service Exam Experience

Alam naman natin lahat na karamihan sa atin habang nag aaral palang ay sinsasabihan na kung gaano kahirap ang pagpasa sa Civil Service lalo't marami rin tayong kakilala na kahit ilang beses nag take ay hindi pa rin makapasa-pasa dahil daw sa sobrang hirap ng exam.Iniisip ko palang na 170 ang total items na dapat sagutan tas ang kailangang passing rate ay 80%, sa isip isip ko noon "so sa 170 na total item dapat 34 lang ang mali ko para 80% ang makuha ko na rate" lalot Professional na yung tinake ko noon at pakiramdam ko mga Honor student lang talaga ang makakapasa kasi pag iniisip ko palang nahihirapan na ako tas kinakabahan na din. Karamihan sa mga teacher ko laging sinasab na mag take ng Civil Service Exam pagkatapos ng graduation para fresh pa daw yung mga natutunan, Pero ako alam ko sa sarili ko na hindi ako papasa kung marami pa akong dapat unahin tulad ng paghahanap ng trabaho dahil alam kong kahit pumasa ako sa Civil Service ay mahihirapan pa rin ako dahil wala...